“FIND YOUR KAWAN”
Gumupit ng papel (1/16) ng bond at sulatan ito ng iba’t-ibang uri ng hayop at isa-isang pabunutin ang mga dumalo. Hindi nila sasabihin ang kanilang nabunot kundi, sila ay huhuni kung paanong humuhuni ang hayop na nabunot nila hanggang sa matagpuan nila ang kanilang kawan.
“ANO ANG TANONG?”
Mag-isip ng isang pandiwa o verb (action word) hal. Nagkakamot at isulat ito sa isang papel. Sa kabilang bahagi ng papel ay isulat naman ang tanong na may temang, “Ano ang gagawin mo kung napahiya ka? o Ano ang ginagawa mo kung kinakabahan ka? Pagkatapos ay babasahin ng isa sa mga kabahagi ang kanyang tanong at babasahin naman ng nasa kanan niya o nasa kaliwa kanyang ang sagot, tapos siya naman ang babasa ng kanyang tanong at babasahin naman ng nasa kanan niya o kaliwa ang kanyang sagot, hanggang matapos.
“7 UP”
Isa-isang magbibilang hanggang 1-6 ang mga kabahagi habang ang kanilang kamay ay ipinapatong nila sa kanilang dibdib, ngunit kapag 7 na ito ay sa ulo na niya ipapatong. Magbabago ang ikot dipende sa direksyon ng kamay ng iyong katabi na bumibilang.
“MANOK NI PALOK”
Magsisimula ito sa ganitong pangungusap, “Si Palok may manok.” na sasabihin niya sa kanyang katabi at ang kanyang katabi ay magtatanong ng ganito, “Pumuputak ba?” at sasagutin niya ito ng, “Oo, pumuputak.”. Pagkatapos ang sinabihan na ito ay magsasabi din sa kanyang kasunod hanggang sa mabuo ang ikot.
“FACIAL EXPRESSIONS”
Gumawa ng iba’t-ibang emotions na isasalarawan ng sinumang nakabunot. Pahulaan kung ano ang nabunot nila ayon sa ipapakita nilang facial expression.
COOKIE JAR
A: I think (name) took the cookie from the cookie jar.
B: Who me?
A. Yes you.
B: Not me. (if you didn’t.) / Yes it true. (if you are.)
A: Then who?
HANDKERCHIEF RELAY
Kumuha ng dalawang panyo, ang isa ay ibubuhol ng isang beses sa leeg ng katabi, samantalang ang isa naman ay dalawang beses, iikot ito hanggang ang dalawang panyo ay mag-abot, ang abutin ng dalawang panyo ay taya.
MAGKANO ANG UBAS?
Bigyan ng mga sumusunod na pangalan ang mga kasali.: Ano, Wow, Grabe, Magkano, Sobra, Magkano, Talaga, Pambihira, Mahal, Really, Siya nga, Sure ka, Oh, Ha, Piso, Over, Ganun, Ano ka mo, Shocking, Naku, Come on, What, Okey ka lang, Ano problema mo.
KILLER-KILLER
Gumawa ng palabunutan na may nakasulat sa isang papel na, “killer” at sa isa naman ay “police”. Maliban sa dalawang ito ang lahat ay blanko na. Pabunutin ang bawat kabahagi, kung sino ang makakabunot ng “killer” sisikapin niyang palihim na makapatay ng tatlo katao sa pamamagitan ng kindat. Ang bawat makikindatan niya ay magsasabing, “I dead”. Kasabay nito ang “nakabunot ng “poilice” ay magsisikap na hulihin ang palihim na kumikindat ng “killer”, kapag nakita niya ang killer na kumindat ang sasabihin niya ay, “Huli ka!” o “You’re under arrest”. Kapag naka-tatlo na ang “killer” mapaparusahan ang “police” ganon din naman kung mahuli ang “killer”.
BANG-BANG
Bumuo ng dalawang grupo. Ang bawat grupo ay may sikretong babarilin na isang tao na kabilang sa kalaban na grupo. Ito’y sa pamamagitan na sabay-sabay na pagsabi ng “BANG!”. Bawat grupo ay salitan na ihaharap ang isang tao sa kanilang kalaban. Kung ang kanilang hinarap na tao ay nataon na ang napagusapang babarilin, ito ay puntos para sa mga bumaril. Ang unang maka-limang puntos ang siyang panalo.
THE WAVE OF THE OCEAN
Sa loob ng nakapabilog na pagkakaupo ay tatayo ang isang taya. Siya ang magsasabi ng “The wave of the ocean goes to the right/left. Susubukan ng taya na makasingit sa bilog at kung sino man ang maiwang nakatayo ay ang susunod na taya.
CONCENTRATION
NAME THAT SONG
TARA-JING POTPOT
WORD FACTORY
HIDE THE COIN
CHARADE
Bago magumpisa ang larong ito, kinakailangang nakapag handa ng mga salitang na sa kategorya ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Bumuo ng dalawang grupo at magtala ng representative sa bawat grupo. Puedeng ang representative ang manghuhula sa salita na inaakto ng grupo o kaya naman ang representative ang aakto at ang grupo naman ang huhula. Kinakailangan iwasang magsalita habang inaakto ang salita na pinahuhula.
PICTURE FRAME
VACANT CHAIR
HUMAN BINGO
